Interpretasyon ng plate number (3)
Kuwentahin ang sum total ng inyong plate number kasama ang mga letra. May numerong katapat ang bawat letra. Ang sagot ay dapat na single number. Halimbawa: TMU 713 = 4(T) + 4(M) + 6(U) + 7+1+3= 25 = 7 (2+5). Tingnan sa listahan ang ibig sabihin ng Vehicle Single Digit (VSD) 7.
VSD 5—Paborableng gamitin ang sasakyan sa negosyo. Ang may-ari ng sasakyan o driver ay may tendency na maging childish at madaldal.
VSD 6—Mas angkop at masuwerteng gamitin ang sasakyan sa artistic work at cinema industry. Kadalasan ay lasenggo at babaero ang nagmamay-ari o driver ng sasakyang may ganitong sasakyan. Itutuloy
- Latest















