Balon
Bihira na ang bahay na may balon lalo na sa mga siyudad. Pero alam ba ninyo na anumang pinanggagalingan ng inyong tubig na ginagamit ay katumbas din ng balon—water tank, water pump, o mismong gripo.
Ang balon ay dapat na nakalagay sa kaliwang bahagi ng bahay kung tayo ay nakaharap sa kalsada. Ito ay hindi dapat nakikita mula sa main door o nakatapat sa main gate dahil nangangahulugan ito ng kaguluhan sa pamilya. O, kaya ay matutuyuan ng yaman ang pamilya.
May mga kaso na walang Feng Shui violation ang bahay pero madalas magkasakit ang mga nakatira sa bahay. Kapag ganoon ang sitwasyon, alamin ang history ng inyong lote at malamang na may nakabaong balon sa loteng kinatitirikan ng inyong bahay. Grabe ang kamalasang mararanasan kung ang iyong kuwarto ay nasa mismong ibabaw ng nakabaong balon.
May mga kaso na ilang beses nang nakukunan ang isang babae. Mga isa o tatlong buwan pa lang ang kanyang tiyan ay aksidenteng nalalaglag sa sinapupunan ang kanyang ipinagbubuntis. Nang inspeksiyunin ng Feng Shui master ang bahay, may water tank palang nakapuwesto sa likod ng kuwarto ng babae. Image source: visual paradox.com
- Latest
















