Kakaibang Libro
Isang libro na may kakaibang lenggwahe ang 10 dekada nang pinag-aaralan ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ma-decode kung ano ang nasasaad dito. Ang Voynich book ay pinaniniwalaang mula pa sa early 1400s pero nawala ito sirkulasyon hanggang mabili ito ni Wilfrid Voynich, isang antique book dealer sa mga second hand na libro sa Italy noong 1912. May 240 pahina ang libro na may mga larawan ng halaman, astronomical images, at mga nakahubad na babaeng naliligo.
Makikita sa loob ng libro ang isang liham na nagsasabing ito raw ay minsang nasa pagmamay-ari ni Emperor Rudolf II, na kilala bilang patron ng artists at scientists.
May mga nagsabi naman na gawa ang libro ng isang con artist na nagngangalang Edward Kelley noong 1500s pero pinabulaanan ito ng isinagawang radiocarbon. Hinati ng mga analyst sa limang bahagi ang nasabing libro – biological, astrological, pharmaceutical, herbal at ang isang bahagi ay recipes.
Ilang taon na ring pinag-aaralan ni Marcelo Montemurro, theoretical physicist mula sa University of Manchester, UK, ang linguistic patterns at umaasa siyang made-decode na ang misteryo ng nasabing manuscript.
“The text is unique, there are no similar works and all attempts to decode any possible message in the text have failed. It’s not easy to dismiss the manuscript as simple nonsensical gibberish, as it shows a significant [linguistic] structure,” sabi niya sa isang interbyu.
Pero kahit napatunayan nilang may pattern ang mga salita ay hindi pa rin nila ito maintindihan.
Sa palagay n’yo, totoo kaya ang nasabing libro? Hindi nga kaya gawa-gawa lang ito ng isang con artist na gustong kumita ng pera? O baka naman sulat kamay ito na may lengguwahe ng mga extraterrestrial? Kayo na ang humusga.
- Latest















