^

Para Malibang

Pampaputi ng maitim na kili-kili

PITO-PITO - Pang-masa

1. Gumawa ng paste na gawa sa baking soda at tubig at ipahid sa kili-kili. Marahang kuskusin ng isang minuto bago hugasan. Gawin ito 3-4 beses sa isang linggo.

2. Bago maligo, magmasahe ng coconut oil sa kili-kili sa loob ng 10-15 minuto. Banlawan ito ng mild soap at maligamgam na tubig. Masahihin ulit ang kili-kili ng kaunting coconut oil. Gawin ito 2-3 kada-araw.

3. Maghiwa ng le­mon at ikuskos ito sa kili-kili ilang minuto bago maligo. Gawin ito araw-araw. Maglagay din ng moisturizer para maiwasan ang pagkatuyot ng balat.

4. Kumuha ng isa o dalawang kutsarang apple cider vinegar at haluan ng kaunting tubig. Ipahid ito sa kili-kili at iwan hanggang matuyo. Gawin ito ng ilang linggo.

5. Maghiwa ng isang medium-sized potato at ipahid ito sa kili-kili. Patuyuin ng 10 minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig. Gawin ito dalawang beses sa isang araw.

6. Maghalo ng 3 kutsarang extra virgin olive oil at 1 tasang brown sugar. Basain ang kili-kili at iwan ito ng 5 minuto bago banlawan. Ulitin ito dalawang beses sa isang linggo.

7. Maghiwa ng pipino at ikuskos sa kili-kili. Patuyuin ito ng ilang minuto. Gawin ito ng 3-4 na araw.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with