Mainit na sabaw
Ngayong panahon ng tag-ulan ay malamig ang hangin at marami ang nauulanan. Mahirap kapag inabutan ng buhos ng ulan sa labas ng bahay. Marami ang sinisipon at inuubo. Maiiwasang hindi ito matuloy sa lagnat kung hihigop ng mainit na sabaw. Masarap din ang ganitong panahon dahil enjoy na mamaluktot habang nakatalukbong pa ng kumot. Mainam na humigop ng sabaw o kumain ng mainit na pagkain para mainitan ang katawan at maging malusog pa rin kahit masama ang panahon. Anumang soup ay nakakapawi ng ginaw lalo na ang pagkain ng Arroz Caldo. Habang madilim ang kalangitan sa pagbuhos ng ulan ay maganda rin mag-enjoy sa mainit na sopas. Makakatanggi ka ba sa sinigang, tinola, bulalo, chicken soup, parsel soup, tuyo, daing, itlog na may kamatis, at marami pang iba na pampaganang pagkain ngayon tag-ulan.
- Latest

















