^

Para Malibang

Rock formations sa ‘Pinas

RAMPADORA - DC - Pang-masa

Ang rock formation o ‘yung mga bato/mineral na kusang namuo ay bunga ng weathering at erosion. Libu-libong taon ang bibilangin para mabuo ang mga bato na inukit ng panahon at kalikasan.

Heto ang listahan ng mga rock formation sa Pilipinas na talaga namang nakamamangha.

1. Kapurpurawan – Mapapa-wow ka sa ganda ng mga bato sa bayan ng Burgos,
Ilocos Norte. Ang pangalang kapurpurawan ay galing sa salitang Ilocano na ang ibig sabihin ay “puti” na siyang kulay ng mga bato rito. Hindi mo aakalain na may ganito pa lang lugar sa ‘Pinas na maipagmamalaki natin sa buong mundo.

2. Nakabuang Arc – Animo’y isang arko sa Flores de Mayo ang hitsura ng mga batong ito na matatagpuan sa isla ng Batanes. Nakapuwesto ito sa dalampasigan at tinutubuan na ng mga halaman na siyang magpapatunay na talagang napreserba at napahalagahan ito ng maayos.

3. Apo Island Rock Formation – Matatagpuan sa maliit na isla ng Negros Oriental ang mga bato na parang pinagpatung-patong ng higante. Sa tubig ito nakatayo na hinahampas ng mga alon. Kilalang diving spot ang Apo Island dahil sa napakaganda nitong yamang-tubig.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with