Techniques pangpakalma ng galit
Lahat naman ay nagagalit, pero hindi na maganda sa isang tao kapag hindi na nito makontrol ang kanyang galit. Pati tuloy ang kanyang paligid ay apektado rin tuwing ito ay nagwawala sa tindi ng emosyon.
Imagine, kapag hindi makontrol ang galit at lumabas ng bahay, tiyak mapapaaway. Mawawala rin sa konsentrasyon sa pagmamaneho ng sasakyan na malalagay naman sa kapahamakan ang ibang tao.
Masama rin sa kalusugan ang matinding galit. Sa pag-aaral, mas delikado sa mga kalalakihan ang bugso ng galit dahil naaapektuhan ang mga ugat na daanan ng dugo sa dibdib. Pinakamalala ang pagkakaroon ng sakit sa puso. Ang galit ay nag-uugnay din sa stress, insomnia, digestive problems, at sakit ng ulo.
Puwedeng makontrol ang galit. Kapag natutunan ito ay nababawasan ang poot, angas, at depression. May strategies para mabawasan ang kumukulo dugo dahil sa init ng ulo. Makikinabang din ang ibang kasama, kaibigan, at partner sa buhay kapag natutunang humupa ang pagiging hot-tempered.
Subukang huminga ng malalim mula sa diaphragm. Hindi nakakapag-relax kapag humihinga lang galing sa dibdib. Kundi huminga na talagang galing sa tiyan o “from your gut.” Dahan-dahan itong ulitin kasabay ng pagsasabi ng “relax” o “easy lang”. Patuloy itong sambitin habang humihinga ng malalim. Visualize ang sarili na nakararamdam ng relaxing sa isipan. Subukan din gawin ang hindi mahirap na exercise tulad ng yoga o parehong activities para ma-relax ang muscle at kumalma.
Kapag pina-practice ang ganitong techniques araw-araw ay matutunan din itong automatic agad na ma-apply kapag nakararanas ng matinding sitwasyon.
- Latest
















