Color blind ka ba?
Parehong color blind ang paningin ang mga babae at lalaki, pero mas karaniwan sa mga kalalakihan. Kapag nahihirapan masabi ang kulay ng bata o matanda may sintomas ito sa color blind issue dahil mali ang paggamit ng nararapat na kulay. Halimbawa hindi alam ang pagkakaiba ng kulay pula o berde; purple o brown. Mas lalong hirap pang makita ang totoong kulay kapag hindi maliwanag ang paligid. Kapag malakas ang pang-amoy at mas inaamoy muna ang ulam sign din ito ng pagiging color blind. Ganundin kung matalas ang paningin sa madilim, pero sensitive naman sa liwanag. Tulad ng American programmer at co-founder ng Facebook na si Mark Zuckerberg ay color blind dahil hindi niya ma-identify ang red and green. Kaya ang kulay ng logo ng Facebook ay color blue.
Ang color blind ay maaaring naipapasa o namana, pero puwede rin dahil sa pagtanda, pagkasira ng retina, o sakit sa mata. Sa bansang Romania at Turkey hindi binibigyan ng driver license ang mga taong color blind dahil sa pangamba na hindi nila mabasa ang traffic signs. Maaaring magpakonsulta sa eye care professional para ma-diagnose ang color vision deficiency. Hindi kasi pare-pareho ang color blindness ng isang tao. Depende sa resulta ng ginagawang test. Kung ito ba ay mild lang, moderate, o sobrang hindi talaga ma-identify ang pula, berde, o iba pang kulay.
- Latest


















