May Ibang Babae si Mister
IDAING MO KAY VANEZZA - Doris Franche-Borja (Pang-masa) - June 9, 2016 - 12:00am

Dear Vanezza,

Ako po si Beth, 45 years old. Nararamdaman ko po na may ibang babae ang aking asawa. Ayaw niyang galawin o tingnan ko ang cell phone niya. Madalas din siyang nagsusungit sa akin. Lagi ring may trabaho raw sila sa La Union at dalawang beses lang umuwi sa aming bahay sa isang buwan. Sana tapatin na lang niya ako. Matatanggap ko naman. Kaysa sa ginagawa niya akong tanga? Pero naaawa naman ako sa tatlong anak namin. Ang pinakabunso ay 7 years old. Ano po ba ang gagawin ko?

Dear Beth,

Kausapin mo nang masinsinan ang mister mo. Sabihin mo ang iyong nararamdaman. Magtanong ka rin sa kanilang opisina kung totoong may trabaho siya lagi sa ibang lugar. Kalimitan na problema ng mag-asawa ay dahil sa kakulangan ng komunikasyon at sapat na oras na pagsasama. Tama na alalahin mo ang inyong mga anak kaya huwag kang basta magpadalos ng desisyon. Manalangin at magpakatatag ka. Kung kailangan mo ng marriage counseling ay gawin mo ito. Para maliwanagan ka at kung paano siya kakausapin sa inyong problemang mag-asawa.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

ELY PAMATONG RODRIGO DUTERTE SUPREME COURT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with