Toothpaste Pantanggal ng Gasgas
Bukod sa mas mura kaysa sa mga tiles, marmol, at kahoy na sahig, matibay din at maganda ang mga linoleum dahil marami itong disenyo at klase. Pero tulad ng ibang sahig, kailangan din itong imintina para mas lalo pang tumagal ang buhay.
Isa sa mga kadalasang problema sa linoleum ay ang pagkakagasgas nito. Ang maliliit at mabababaw gasgas dulot ng maliit na batong nasiksik sa sapatos ay madaling masolusyonan.
Kakailanganin lang ng toothpaste at basahan. Pahiran lang ng toothpaste ang parte ng sahig na may gasgas at punasan ito ng tuyong basahan hanggang mawala ang mababaw na gasgas.
Maaari rin gumamit ng pambura. Burahin lang ang mga gasgas na parang nagbubura ng isinulat na lapis.
Hugasan ng liquid dishwashing soap pagkatapos para maiwasan ang pagiging madulas ng linoleum.
Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto ay maraming paraan!
- Latest




















