^

Para Malibang

Iba’t ibang gamit ng toothbrush

Pang-masa

Ang toothbrush ay kadalasang ka-partner ng toothpaste sa pagsisipilyo. Bukod doon, alam n’yo ba na marami pang gamit ang simpleng toothbrush?

Heto ang ilan sa mga ideya kung paano n’yo pa mas masusulit ang paggamit ng pangsipilyong toothbrush.

1. Gumamit ng toothbrush para ayusin ang magulong kilay.

2. Paghaluin ang katas ng lemon/calamansi, tubig, at baking soda. Ipahid ito gamit ang toothbrush sa mga tuhod at siko na gustong paputiin.

3. Para sa kissable lips, maglagay ng lip balm sa labi o honey at gumamit ng toothbrush para matanggal ang mga dead skin ng dahan dahan.

4. Kung ikaw ay kapos sa budget pero kailangang magpalinis ng kuko, toothbrush ang iyong solusyon. Maghalo lang ng baking soda at tubig at gamitin ang toothbrush pangkuskos ng maruming kuko.

5. Maganda rin itong panlagay ng pangkulay sa buhok lalo na sa bandang anit.

6. Pwede rin ito gamitin panglinis ng mga alahas, simpleng gamit sa bahay, at sa mga suluk-suluk na hindi abot ng basahan.

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with