Tipid Kuryente sa Refrigerator
Ngayong tag-init, hirap din ang ating mga appliances sa bahay tulad ng bentilador, aircon, at refrigerators. Dahil dito, mas mataas ang konsumo ng ating kuryente na siguradong magpapataas ng electric bill.
Isa ring problema sa pagtaas ng kuryente ay ang singaw sa mga refrigerator. Kaya dapat tingnan kung ang mga door seal nito ay nasa magandang kundisyon pa.
Sa pagtsek kung maayos pa ang mga ito, mag-ipit ng perang papel sa pintuan ng refrigerator. Kapag mahirap itong kunin ay kundisyon pa ang seal nito. Pero kapag madaling matanggal ang inipit na perang papel ay kailangan na itong palitan.
Maaaring makabili ng bagong seals sa mga home repair outlet stores.
Isa pang dahilan ng hirap na paglamig ng refrigerator ay ang maruming coil sa likod nito. Linisin ang alikabok sa coil para mas mapabilis ang pagbaba ng temperatura ng inyong refrigerator.
Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto ay maraming paraan!
- Latest




















