Magic glue gun (2)
Sa ikalawang parte ng artikulong ito matututunan naman natin kung paano gawing non-slip ang mga tsinelas pambahay. Mas maganda rin itong gawin sa mga tsinelas ng bata para hindi sila madulas sa mga sahig na gawa sa tiles, semento, at kahoy.
Kung sa hanger ay pa-zigzag ang pattern, dito sa tsinelas gumawa lang ng mga linyang pahalang (horizontal) sa ilalim ng tsinelas na pambahay. Patuyuin ito bago gamitin. Dahil mala-goma ang natuyong glue, magsisilbi itong pangontra sa madulas na sahig.
Sa ganitong paraan makaiiwas tayo sa aksidente at gastusin.
Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto ay maraming paraan!
- Latest
















