^

Para Malibang

Super Bawang

Pang-masa

Hindi lang sa pag­luluto nagagamit ang bawang. Marami rin itong benepisyo sa pagpapaganda na napatunayang epektibo rin.

Heto ang ilan sa mga gamit ng bawang:

Pampapahaba ng magandang at matibay na buhok – Ginagamit na solusyon ng ilang hair experts ang garlic sa paglalagas ng buhok. Ikuskos lang ang bawang sa anit at imasahe ito ng limang minuto at banlawan.

Gamot sa sipon – Hitik sa antioxidants ang bawang kaya naman mainam na isama ito sa araw-araw na lutuin. Pwede ring gumawa ng tsaa gamit ang garlic; magdikdik lang ng bawang, maghalo ng honey, at ibabad sa mainit na tubig. Inumin bago matulog.

Gamot sa alipu­nga – May anti-fungal properties ang garlic at nakakatanggal din ito ng pangangati sa talampa­kan. Ibabad lang ang paa sa tubig na maligamgam na maraming bawang.

Iwas lamok – Ayon sa mga scientist, ayaw na ayaw daw ng mga lamok sa amoy ng bawang. Pwede maglagay ng bawang sa parte ng bahay kunsaan maraming lamok. Pwede rin itong ipahid sa katawan na may kasamang lotion.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with