Kamandag ng ahas
Maraming klase ng ahas sa iba’t ibang panig ng mundo at magkakaiba rin ang mga kamandag na taglay nito. Para sa inyong kaalaman, heto ang ilan sa pinakamakapaninsala sa buong mundo.
1. Inland Taipan – Nanguna sa listahan ang ahas na ito na makikita sa Queensland at Southern Australia. Ito ang may pinakamatinding lason sa lahat ng ahas dahil ang isang kagat (110 mg) nito ay kayang pumatay ng 100 katao o 250,000 na daga sa loob ng 45 minuto. Ang magandang balita ay wala pang namamatay dahil sa kagat nito.
2. Eastern Brown Snake – Nakatira ang ahas na ito sa mataong populasyon ng Australia. Mabilis umaksyon ang ahas na ito at sensitibo sa kahit na anong galaw sa paligid.
3. Black Mamba – Ang pinangingilagang black mamba ay matatagpuan sa iba’t ibang parte ng Africa. “Fastest land snake in the world” ang bansag dito dahil mabilis nitong mapapatay ang sinuman sa inaakala nitong kalaban. Ang isang kagat ng black mamba ay kayang makapatay ng 10 hanggang 15 katao.
4. Tiger Snake – Sa Australia rin ang habitat ng ahas na ito na ang kagat ay tumatalab sa loob lang ng 30 minuto. Ang sinumang makagat nito ay makararanas muna ng paninigas ng leeg, paa, pagpapawis, at hirap sa paghinga.
5. Philippine Cobra – Pasok sa listahan ang “pinakasikat” na ahas sa ating bayan. Ang dura ng cobra na ito ay umaabot ng hanggang tatlong metro. 30 minuto lang din ang bibilangin bago matigok ang sinumang mabiktima nito.
- Latest
















