Constipation
1. Olive oil. Natural na pampadulas ang mantika, at dahil galing ito sa olives healthy ang olive oil. Uminom ng isang kutsarang olive oil sa umaga bago kumain.
2. Lemon juice. Ihalo sa isang tasang maligamgam na tubig ang juice ng 1 lemon para pang stimulate ng sikmura. Nakatutulong ito sa pag-flush ng toxins sa bituka.
3. Kape. Isa pang stimulant sa tiyan ang kape, pero limitahan lang ng 1-2 tasa sa isang araw dahil ‘pag lumampas kabaligtaran ang mangyayari.
4. Kumain ng mayaman sa fiber. Ang mga pagkaing mataas sa fiber ay apricots, whole grain bread, berries, broccoli, plums, pears, apples, nuts, patatas.
5. Flaxeed oil. Bukod sa olive oil, mabisa rin ang flaxeed oil dahil pinalilibutan nito ang loob ng bituka para sa magaang pagdumi. Magtimpla lang ng 8 oz. Orange juice at haluan ng 1 kutsarang flaxeed oil at inumin.
6. Aloe. Bukod sa mga sugat mabisa rin ang aloe vera gel sa tiyan. Kung galing sa aloe vera plant maghalo ng dalawang kutsara sa fruit juice at inumin sa umaga.
7. Baking soda. Ang pag-inom ng isa kutsaritang baking soda sa ¼ tasa ng maligamgam na tubig ay nakakawala ng constipation dahil ito ay isang bicarbonate na nakakapagpalabas ng hangin sa tiyan.
- Latest




















