Pesteng balakubak!
1. Suka. Ipang-shampoo ang pinaghalong tig-½ tasa ng maligamgam na tubig at apple cider vinegar o white vinegar. Kuskusing mabuti ang anit at banlawan ng tubig. Gawin ito isang beses sa isang linggo para sa mabilis na resulta.
2. Baking soda. Gawing shampoo rin araw-araw ang pinaghalong 1 kutsarang baking soda sa isang basong tubig. Ang baking soda ay nakaka-exfoliate ng anit at nakapapatay ng fungus na nagdudulot ng balakubak.
3. Listerine. Ang Listerine mouthwash ay unang naimbento noong 1930-40’s bilang pangontra sa balakubak at hindi bilang panlisin ng bibig. Nakapapatay din ito ng fungus sa anit.
4. Magpaaraw. Ang 10-15 minuto sa arawan ay maganda sa anit dahil maglalabas ito ng natural oil para hindi mag-dry at magkaroon ng balakubak.
5. Aspirin. Magdurog ng dalawang tableta ng aspirin at ihalo sa regular shampoo. Gamitin sa ulo at iwan ng mga 2 minuto bago banlawan. Ang aspirin ay may mataas na porsyento ng Salicyc Acid na matatagpuan sa mga anti-dandruff shampoos.
6. Lemon. Magmasahe sa anit ng 2 kutsarang lemon juice at banlawan ng pinaghalong 1 kutsaritang lemon juice at 1 tasang tubig. Ulitin ito hangga’t kinakailangan.
7. Aloe Vera. Maglagay ng aloe vera gel sa buhok 15 minuto bago maligo. Mag-shampoo at banlawan ang ulo pagkatapos. Ang aloe vera ay nakapagpapabagal ng pagtanda ng cells sa anit na nagdudulot ng dandruff.
- Latest

















