Pampababa ng cholesterol
1. Oats. Kung nais magpababa ng LDL (bad cholesterol) kumain ng dawalang serving ng oats bilang agahan at siguradong makikita ang pagbabago pagkatapos ng anim na linggo. Mataas ito sa beta-glucan na nakaka-absorb ng LDL sa ating katawan.
2. Red wine. Ang Tempranillo red grapes na kadalasang ginagamit sa paggawa ng red wine ay mataas sa fiber at may malaking epekto sa pagpapababa ng bad cholesterol sa katawan. Mainam ang isang basong red wine gabi-gabi.
3. Salmon at matatabang isda. Ang Omega-3 fats ay isa sa mga natural health wonders na nakatatanggal ng heart disease dementia at iba pang karamdaman. Ang pagkain ng isda tulad ng salmon, sardinas, at herring ay nakapagpapataas ng good cholesterol sa katawan.
4. Walnuts, almonds, at kasoy. Ang pagkain ng mga nasabing mani ay nakapagpapababa rin ng total body cholesterol ng 5.4% at bad cholesterol ng 9.3%. Pero ingat lang dahil kahit mataas sila sa good cholesterol, mataas din sila sa calories.
5. Tsaa. Sinasabing nakapagpapapayat ang pag-inom ng tsaa at isa rin itong source ng cancer-fighting antiodidants. Ang black tea ay sinasabing nakapagpapababa ng blood lipid ng hanggang 10% sa loob lang ng 3 linggong pag-inom nito.
6. Chocolate. Ito marahil ang pinakagusto ng nakararami na nakapagpapababa ng cholesterol levels. Ang antioxidant na ito ay nakapagpapataas ng good cholesterol. Pero tandaan, piliin ang pagkain ng dark chocolate o ‘yung bittersweet na uri. Kumpara kasi sa milk chocolate mas mataas ng tatlong beses ang dami ng antioxidants ng dark chocolates.
7. Spinach. Ang sikat na pagkain ni Popeye ay hindi lang nakapagpapalakas! Mayroon din itong lutein, ang sunshine-yellow pigment na matatagpuan na sa dark green leafy vegetables at egg yolks. Ang pagkonsumo ng mga pagkaing mataas sa glutein ay nakatutulong sa paglusaw ng cholesterol na sanhi ng bara sa mga ugat na daluyan ng dugo.
- Latest




















