^

Para Malibang

Kasaysayan ng kilay

Pang-masa

3500 B.C. - 2500 B.C. noong panahon ng Ancient Egypt, parehong babae at lalaki ang nagsusuot ng make up bilang pagbibigay-pugay sa Diyos na si Horus. Kailangang makapal ang kanilang eyeliner at kilay dahil ito ang “pinaka-powerful” na parte ng kanilang mukha.

800 BC to 146 B.C. –noong panahon ng Ancient Greek, binibigyang diin ng mga kababaihang Griego sa kanilang kilay kung sila ba ay kasal na o single pa. Kadalasan, ang mga babaeng kasal na ay simple at natural lang ang hitsura. Para naman sa mga single pa, itim na insenso ang kanilang ginagamit para kortehan ang kanilang mga kilay. Ang pagkakaroon ng uni-brow o ‘yung kilay na magkadikit ay nakakaakit ng kalalakihan noon.

753 BC to 476 A.D. –noong panahon ng Ancient Romans, mas may kalayaan ang mga babaeng romano kesa sa mga babaeng Griego. Minsan ay wala silang nilalagay na kolorete sa kanilang mga kilay pero ang pagkakaroon ng magkadugtong na kilay ay simbolo rin ng magandang katangian para sa kanila.

1066 – 1485 –noong panahon ng Medieval, maninipis at halos walang ka-korte-korteng kilay ang mayroon ang mga babae. Para kasi sa kanila, ang pagkakaroon ng malapad na noo ay siyang pinakamaganda. Dahil doon, halos lahat ng mga kababaihan ay nagbubunot ng kilay. Noong Elizabethan era, ang pamantayan ng ganda ay ang pagkakaroon ng manipis at halos mawala nang kilay. Maraming mga babae rin ang naglalagay ng pulang pangkulay sa kanilang kilay bilang tanda ng kanilang pag-idolo kay Queen Elizabeth.

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with