Devil’s Mountain
Dalawang bundok sa Luzon ang madalas na gawing paksa kung kwentong katatakutan ang pag-uusapan. Ito ay ang bundok Banahaw at bundok Cristobal.
Hitik sa samu’t sa-ring kwentong kababalaghan ang dalawang bundok. Mayroong mga kwentong mula mismo sa mga lokal ng probinsiya at mayroon din namang mga kwentong dala-dala ng mga climber na galing doon.
Banal ang idinidikit na salita sa Mt. Banahaw, bukod kasi sa parang may “halo” o ‘yung pabilog sa uluhan ng mga angghel ang hitsura nito mula sa malayo, sinasabing ang tubig daw na makukuha mula rito ay holy water. Paborito rin itong puntahan ng mga turista maging ng mga estudyante para mag-camping kaya naman dumumi ng husto ang bundok, kasalukuyan pa rin itong nakasara para sa rehabilitasyon.
Samantala, kung may banal na bundok ay ka-baligtaran naman nito ang Mt. Cristobal na Devil’s Mountain naman kung tawagin. Mismong ang mga lokal na rin ang nagbansag sa ganoong tawag sa bundok.
Sandamakmak kasi ang mga istoryang nakapangingilabot at parang karamihan ay umaayon dito. Pinangingilagan ito ng ilang mga mountaineer dahil sa mga kwentong mahirap itong akyatin at may marami raw nawawala ito, dahil sa marami nitong daan. Kasalukuyan ding nakasara sa publiko ang bundok Cristobal.
- Latest





















