Cervical cancer vaccine (1)
Kahit na sinong babae ay puwedeng magkaroon ng cervical cancer.
Ayon sa Wikipedia, ang cervical cancer ay isang uri ng kanser na nabubuo sa cervix ng mga kababaihan. Nabubuo ang cervical cancer dahil sa abnormal na paglaki ng cells na may kakayahang i-invade o kumalat sa ibang bahagi ng katawan.
Hindi agad nakikita ang sintomas ng cervical cancer. Ang mga nagiging sintomas ay ang abnormal vaginal bleeding, pananakit ng balakang, nakakaramdam ng pananakit pagkatapos ng sexual intercourse.
Ang Human Papillomavirus (HPV) infection ay madalas na dahilan ng HPV infections, na hindi naman laging nagiging sanhi ng cancer. Ang iba pang risk factors ay paninigarilyo, mahinang immune system, birth control pills, pagsisimula ng pakikipag-sex sa murang edad at pagkakaroon ng maraming sexual partners.
Naimbento ang bakuna para sa cervical cancer na tinalakay ni Bobbie S. Gostout, M.D., isang HPV infection expert at gynecologic surgeon sa Mayo Clinic, Rochester, Minn..
Para saan ang cervical cancer vaccine?
May iba’t ibang strains ang HPV, na nakukuha sa pamamagitan ng sexual contact. May dalawang cervical cancer vaccines na aprobado ng Food and Drug Administration (FDA) sa U.S. — Gardasil, para sa girls at boys, at Cervarix para sa babae lang. Pangontra rin ito sa vaginal at vulvar cancer sa babae, at Gardasil ay panlaban sa genital warts at anal cancer sa babae at lalaki.
Sa pagbabakuna sa mga lalaki, laban sa HVP, naproprotektahan din ang mga babae laban sa virus sa pamamagitan ng pagpigil ng pagkalat nito. (Itutuloy)
- Latest




















