Nasaan ang Nunal Mo?
1—Nunal sa kanang pisngi na malapit sa bibig—mas malapit sa bibig, mas masuwerte. Ang yaman na makakamit niya ay manggagaling sa kanyang asawa.
2—Sa kanang braso—kahit anong negosyo na hawakan niya ay umaasenso.
3—Sa kahit anong side ng baba—walang kahirap-hirap na mapapasakanya ang suwerte.
4—Sa likod ng kanang kamay—makakamit niya ang maraming pera sa pamamagitan ng kanyang talent.
5—Sa kanang hita—maligayang buhay may asawa at masaganang pamumuhay.
6—Sa tapat ng lalamunan—mayaman ang mapapangasawa at magtatagumpay sa career.
7—Sentro ng ulo/anit—magiging mayamang-mayaman.
8—Kanan ng noo—kung lalaki, yayaman siya paglampas ng edad na 30. Walang specific age sa babae, basta’t yayaman din siya. Hindi maganda ang nunal sa noo na sobrang maitim.
9—Sa kanang eyebrow—kung lalaki’y magiging mayaman dahil sa babaeng kanyang pinakasalan.
10—Kung lalaki, ang masuwerteng nunal ay nasa kanang wrist; kung babae, dapat ito’y nasa kaliwa.
- Latest






















