Dahil kay Batman, Binata Napilitang Magpalit ng Pangalan!
(Pang-masa) - February 4, 2016 - 9:00am

Grabe na ‘to! Isang 19-year-old na binata sa Manchester, England ang napilitiang magpalit ng pangalan para lang hindi magbayad ng malaki at makasakay ng eroplano. Ito’y ayon sa mga naglabasang balita noong nakaraang taon.

Nagsimula ang kakatwang pangyayaring ito nang mag-book ng flight papuntang Ibiza ang stepfather ng girlfriend ni Adam Armstrong gamit ang Facebook name ng binata. Ang pangalan niya sa nasabing social media platform ay Adam “West” sa pagbibigay-pugay niya sa Batman TV actor. Nang madiskubre ni Adam na may mali sa kanyang pa­ngalan sa ticket, sinabihan siya ng Ryanair (kilalang nananaga sa extra fees), na aabutin ng $336 (higit P16,000) ang pagpapalit ng pa­ngalan niya.

Pero imbes na magbayad siya sa nasabing airline ay mas pinili pa niyang magpalit na lang ng pangalan for free at magbayad ng $158 (higit P7,000) para sa bagong pasaporte, ayon sa report na lumabas sa Guardian.

“Yeah, I’m not ­giving Ryanair a penny,” sabi ni Adam sa isang Irish radio show. Pero hindi pabor ang ama ng binata sa ginawa niyang ito. Ngunit, “I’m going to change it back in seven years (when the passport expires),” pagtatapos ni Adam.

ACIRC ADAM ARMSTRONG ANG FACEBOOK IBIZA ISANG ITO NAGSIMULA NANG PERO RYANAIR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with