Tamad at Sugarol si Misis
IDAING MO KAY VANEZZA (Pang-masa) - February 3, 2016 - 9:00am

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Bruno. Problema ko ang aking misis na tamad at hindi maaasahan sa mga gawaing bahay. Apat na taon na kaming kasal at may isang anak. Hindi naman mayaman ang pamilya niya pero hindi ko alam kung bakit hindi siya marunong sa gawaing bahay. Tutol sa akin ang mga magulang niya kaya nagtanan kami. Halos itakwil siya ng kanyang mga magulang pero ako pa rin ang pinili niya. Akala ko magbabago na siya kapag kinasal na kami, pero hindi pala. Kapag pinupuna ko ang magulo naming bahay, nagagalit siya. Ikuha ko raw siya ng katulong. Kaso, maliit lang ang sahod ko dahil isa lang akong construction worker at umuupa lang kami ng apartment. Wala na kaming kakainin kung magpapasuweldo pa ng katulong.  Ang masaklap pa, pati anak namin ay pinapabayaan niya, at maghapon si misis na nagsusugal sa kapitbahay. Ano po gagawin ko?

Dear Bruno,

Nang ligawan mo ang misis mo, alam mo ang kanyang kalagayan sa buhay. Tanggap mo pati kapintasan niya kabilang na ang kanyang pagi­ging tamad. Sa kabila nito, minahal mo pa rin siya at pinakasalan. Dagdagan mo lang ang iyong pasensiya at pagtiyagaan mong makuha siya sa diplomasya para magbago. Ipaunawa mo sa kanya ang kanyang obligasyon bilang ilaw ng tahanan. Kung mangingibabaw ang inis o galit, baka hindi maaayos ang problema.

Sumasaiyo,

Vanezza

ACIRC ANG ANO APAT BRUNO DAGDAGAN DEAR BRUNO DEAR VANEZZA HINDI SIYA STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with