Aswang territory (33)
(Pang-masa) - February 1, 2016 - 9:00am

HINDI muna agad sumagot si Avia, nakatingin lang nang matagal kay Armani.

Parang hindi alam kung paano nila simulang pag-usapan ang isang very sensitive na topic.

“Uhurrrmmm ... Armani, tungkol din diyan ang kanina ko pa gustong itanong, e. So close ka talaga sa paring ito? Actually, kanina ko pa nakita na may message siya pero hindi ko naman binasa. Kahit bothered ako tungkol sa paring ‘yan.”

“Avia? Pinuproblema mo si Father Albert? Ang bait nito. Hindi ito judgemental.”

“What I mean is that ... traditionally, hindi talaga magkaibigan ang pari at aswang. Hindi naman kami takot sa pari but we stay away from them. Para lang walang gulo.”

“Pero close ako sa kanya. Ninong ko siya. Kaya nga ako lumaking matino kasi kahit nasa Europe siya, tuloy ang bigay niya sa akin ng mga pangaral.”

“Ano kaya’ng sasabihin niya kapag ipinakilala mo ako.”

“Wala naman sigurong problema. Magagandahan siya sa ‘yo. Mababaitan dahil ganoon ang hugis ng mukha mo. Nagra-radiate talaga ng kabaitan. Totoo ‘yan,  Avia.”

“But if you tell him the truth kung ano talaga ako, what will happen? Hindi kaya papayuhan ka niya na layuan ako? And if you don’t tell him about the real me, hindi kaya pagsisinungaling na rin ‘yon? Or ... omission of the truth? Either way, hindi maganda sa ating relasyon ang closeness mo rito sa paring ito, Armani.”

Hindi na naman agad nakasagot si Armani. Siya naman ang napaisip.

“P’wede ba, Avia ... bibisitahin ko lang siya kahit minsan. And then I can forget about him at once.”

“But why? Dapat putulin mo na kaagad ang inyong closeness or friendship. Dahil niyakap mo na ang pagi­ging aswang, Armani. I’m sorry pero iyan ang  maipapayo ko sa ‘yo. Para hindi na magiging mas complicated itong sitwasyon natin ngayon.”

Hindi uli nakasagot si Armani.

Nag-ring ang kanyang celfone na nakapatong lang sa katabing mesa. Sasagutin niya pero pagtingin niya sa screen ng celfone, pangalan ni Father Albert ang naroroon. Hindi na niya alam ang gagawin.- ITUTULOY

 

 

 

 

ACIRC AKO ANG ANO ARMANI AVIA DAHIL FATHER ALBERT HINDI NBSP WHAT I
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with