Mala-porselanang Kutis
(Pang-masa) - February 1, 2016 - 9:00am

Forever ka na lang bang aasa sa sankaterbang make-up tips?

Alam mo ba na ang beauty starts within. Yup, literal na totoo ito.

Ang tunay na ganda ng iyong balat ay maa-achieve hindi sa pagmi-make-up. Dahil nga ang kolorete ay umeepek lang ng panandalian.

Heto ang ilan sa mga tip para magkaroon ng mala-porselanang kutis na hassle free!

Kung inyong mapapansin, sikat ang avocado sa mga produkto ng shampoo. Mayaman kasi sa biotin ang prutas na ito na iwas sa panunuyot. Pwedeng-pwede rin itong gamitin sa balat, pwede mo itong kainin o ‘di kaya naman ay gawing body scrub.

Isama sa daily habit ang pag-inom ng green tea, makatutulong itong alisin ang mga toxin sa ating katawan, dahil dito, siguradong mas maggu-glow ang iyong balat.

Kahit saan ay ma­bibili sa murang-murang halaga ang kamatis, mayaman sa lycopene ang prutas na ito na makatutulong sa pagri-reconstruct ng iyong cells. Mainam din itong gamitin sa sun burn sa pamamagitan ng pagdurog dito at ihalo sa olive oil.

Ang itlog ay kabilang din, mayaman kasi ito sa protina at biotin na tiyak na magpapaganda sa iyong balat.

At panguli, ang tubig. Uminom ng 2 litro hanggang sa 3 litro ng tubig araw-araw para hindi ma-dehydrate ang iyong katawan.

O, ‘di ba? Simpleng pagkain lamang ang mga ito pero siguradong makatutulong sa inyo, imbes na mag-invest sa sandamakmak na pampaganda, bakit hindi muna subukan ang mga ito.

 

 

 

ACIRC ALAM ANG DAHIL HETO ISAMA ITO KAHIT MAINAM MAYAMAN PWEDENG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with