^

Para Malibang

Sintomas Kung Drug Addict ang Anak

Pang-masa

Sa labas ng patnubay ng magulang sa mga anak hindi maiaalis na magkaroon ng pa­ngamba na baka maimpluwensiyahan ang mga bata ng mga maling kaibigan o kasama sa ekwelahan o sa labas ng bahay.

Paano malalaman kung ang anak na teenager ay na-hook na sa pinagbabawal na gamot. Kahit ano pang uri ng drug na basta inaabuso o mali ang gamit nito ay malaking epekto sa kalusugan at buhay ng tao, lalo na sa mga kabataan.  Alamin ang mga signs na ang anak ay nasa ilalim sa impluwensiya ng pinagbabawawal na gamot:

Grades – Madalas ang isa sa sign ng anak na addict sa drug ay ang kanyang pag-aaral. Ang habit ng studies ng mga  teenagers ay bumababa  ang mga grades.  Nawawalan ito ng gana na pumasok, hindi gumagawa ng assignments, nakakalimutan ang mag-aral  para sa exam. At lumiliban ito sa kanyang klase.

Mood – Mapapansin na kakaiba na ang kanyang mood swings. Madalas laging naiinis, nagagalit. Mapapansin din na lumalayo ang anak sa pamilya at nagiging loner.

Appearance – Kapag ilang araw nang hindi ito nagpapalit ng T-shirt at hindi na rin madalas maligo. Makikita rin na iba na ang kanyang pananamit at style ng kanyang pagbibihis.

Pagkain – May oras na malakas  o mahinang kumain. Hindi makakaligtas ang pagbabago ng kanyang weight  o timbang dahil sa routine nito sa pagkain.

Pagtulog – Kalimitan nagbabago ang pattern ng pagtulog ng tao depende sa paggamit nito ng drugs. Minsan maghapon itong tulog at may oras naman na hindi talagang natutulog.

Sekreto – Masyado na itong malihim tungkol sa kanyang pag-aaral, at mga activities. Nagagalit kapag  ginagalaw ang kanyang mga gamit. Nagagalit din kapag pumapasok ka ng kuwarto o nag-uusisa tungkol sa kanyang mga gamit. Itinatago rin nito pati ang kanyang basurahan na may makikitang boteng walang laman.

Nagkakasakit – Madalas ba ang pag-uubo o sinisipon? Huwag naman mapraning na may malubha agad sakit ang anak tulad ng respiratory infection. Pero kapag ito ay laging nagha­hanap o nagde-demand ng gamot sa ubo, maaaring ito ay sign na inaabuso nito ang gamot.

Lahat ng mga signs ay maaaring hindi nagpapatunay na inaabuso ng anak ang isang uri ng gamot na puwede sa ubo, sipon,  o iba pang klase ng gamot para masabing drug addict na ang bata. Nag-iiba naman talaga ang mood swings ng tao, may time na nagbabago rin ang pattern ng pagtulog, nagiging masekreto na part lang ng mga teenagers. Pero kapag nakapansin na kakaiba sa anak, oras na para kausapin ang anak sa kanyang  hindi maipaliwanag na pagbabago.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANAK

ANG

KANYANG

LEFT

MADALAS

MGA

NBSP

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with