_pang-masa
^

Diagnose Peyronie’s Disease?

MAINGAT KA BA!? - Miss ‘S’ (Pang-masa) - December 28, 2015 - 9:00am

Natalakay na natin ang mga sintomas at komplikasyon ng Peyronie’s Disease?

Pero paano ba nada-diagnose ang Peyronie’s Disease?

Kung nag-aalala sa pagkurba ng penis na sanhi ng Peyronie’s Disease, ipinapayong magpatingin sa pinagkakatiwalaang doctor at sabihin ang mga mahahalagang detalye, injury bago mapansin ang sintomas nito.

Siguradong ire-refer  sa isang espesyalista sa sexual disorders (urologist) at eeksaminin ang inyong penis.

Mahalagang ibahagi sa doctor ang mga bagay-bagay  na sa tingin ninyo ay may kinalaman sa Peyronie’s disease. Mga sintomas, background kung nagka-injury sa penis, history ng penis, kung may kapamilya na may Peyronie’s disease, at iba pa.

May mga katanunang medyo awkward ngunit kailangang sagutin tungkol sa pagkurba ng penis.

Kadalasan ay nagsasagawa ng  physical exam kung may scar tissue o peklat sa penis.

Minsan ay paoobserbahan muna ng doctor ang penis kung lumalala ang pagkurba nito, kung lalala ang sakit na nararamdaman kapag nakikipag-sex o kapag may erection.

Maaaring bigyan ng gamot para bawasan ang paglaki ng peklat para hindi lalong kumurba ang penis.

ANG KADALASAN KUNG MAAARING MAHALAGANG MGA MINSAN PENIS PERO PEYRONIE SIGURADONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with