Mapapahiwalay sa pamilya

Panaginip: Nakasakay ako sa eroplano pero sa bubong ako nakapuwesto. Parang may hawakan para hindi ako malaglag. Nasa loob ng eroplano ang aking mister at mga anak. Naiinis ako at nakahiwalay ako sa kanila. - MLP’77

Interpretation: Ang pagsakay sa eroplano ay nagpapahayag ng pagbabagong mangyayari sa iyong buhay. Ang pagbabagong iyon ay tungkol sa pagtaas ng iyong status sa buhay. Ito ang ibig sabihin ng inilagay ka sa bubong. Pero may kapalit ang pagtaas na iyon—mapapahiwalay ka sa iyong minamahal sa buhay.

Show comments