_pang-masa
^

Para Malibang

‘Di ako mahal ng mahal ko

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Hindi ko po maintindihan ang sarili ko. May bf po ako dati. Minahal ko po siya nang lubos pero alam ko po hindi niya ako minahal. Wala kaming formal break-up. Meron po akong bf ngayon. Lahat po ng gusto ko ay kanyang binibigay. Alam ko po na mahal na mahal niya ako at kaya niyang isakripisyo ang buhay para sa akin. Mahal ko naman po siya kaso mas mahal ko po ang aking ex-bf. Minsan po ako ay napapatawa kapag naaalala ko ang ex ko at naiiyak kapag aking naiisip ang mga bagay na isinakripisyo ko para sa kanya. Naguguluhan po ako. - Myta

Dear Myta,

May mga katotohanan sa buhay na gaano man kasakit ay dapat tanggapin. Mahal mo ang dating nobyo pero hindi ka naman mahal. Heto naman ang bago mong bf na hindi mo mahal pero mahal na mahal ka. Sabagay mahirap turuan ang puso. Pero hindi man puwedeng turuan, harapin  mo ang katotohanang hindi ka na mahal ng taong mahal mo. Hindi dapat huminto ang mundo sa pag-ikot dahil lamang sa isang taong ayaw ka nang mahalin.

Sumasaiyo,

Vanezza

ALAM ANG DEAR MYTA DEAR VANEZZA HETO HINDI LAHAT MAHAL MERON MINSAN STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with