^

Para Malibang

Island of the undead (140)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“Tama naaa!” Gigil na sigaw ni Reyna Miley kay Blizzard.

“Ayaw mo kasing maniwala na nabubulok ka sa loob, e.”

PAK.

Ang lakas ng sampal ni Reyna Miley kay Blizzard.

“Ang ibig ko lang namang sabihin, mahal na reyna, gawan mo ‘yan ng paraan. Dapat ay mawawala ‘yang kabulukan na ‘yan. Bakit kaya noong mga nakaraang araw, hindi pa naman ganyan kabaho ang hininga mo?”

Hindi na naman makasagot si Reyna Miley.

Pero alam niya ang sagot sa tanong ni Blizzard.

Alam niya na habang tumatagal ang kagandahang hindi kanya ay titindi ang kabulukan sa loob ng kanyang katawan.

Dahil hindi ito nakikita kaya sumisingaw. Noong halos bulok at puro bungo na lamang ang kanyang katawan, labas ang lahat niyang kapangitan.

Kaya walang naiipit o naiipong kapangitan at baho sa loob.

Ngayon na nababalutan siya ng kagandahan, ang kaloob-looban naman niya ang naaapektuhan.

“Ah, gano’n? Gusto mo gawan ko ito ng paraan, ha?”

“Oo, mahal na reyna. Kailangan. Dahil paano ba kita mahahalikan niyan?”

Naningkit na naman sa inis si Reyna Miley. “Kanina pa kita gustong patayin, Blizzard ... pero hindi na muna. Alam ko na ang ipapagawa ko sa ‘yo. Na kailangang gawin mo dahil kung hindi ... itutuloy ko na ang pagpatay  sa iyo. Sa paraang napakalupit. Paunti-unti kitang susunugin ... ililitson ... tapos itatambak muna kita sa tabi hanggang sa ikaw naman ang mangangamoy. At ipapatapon kita sa dagat. Mangangamoy ang buong dagat, walang isda o lamang-dagat na kakain sa iyo sa tindi ng kabahuan mo. Ang mga kasama mong tao na ngayon ay nakikipaglaban sa mga higante kong sundalo ay mamamatay sa amoy ng buong karagatan sanhi ng kabahuan mo! Ngayon ... ito ang gagawin mo para maiwasan mo ang ganyang klaseng kamatayan ... pansamantala ...

“Halikan mo ako! Lips to lips. Very torrid. Iyung buong bibig mo ay halos ipapasok mo sa bibig ko! Iyan lang, Blizzard ... ang makakapagligtas sa buhay mo ngayon!”

Natulala si Blizzard.

Ini-imagine pa lamang ang gagawin ...

Hinimatay na ito.

“Uuuunggghhh....” Bagsak si Blizzard sa lupa, walang ulirat. Itutuloy

vuukle comment

ACIRC

ALAM

ANG

AYAW

BAGSAK

BAKIT

BLIZZARD

DAHIL

DAPAT

NGAYON

REYNA MILEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with