Genetal grooming ni manoy

MAINGAT KA BA!? - Miss S (Pang-masa) - November 23, 2015 - 9:00am

Sa ayaw at gusto ng mga lalaki, kasama ninyo ang inyong penis hanggang sa dulo. Sa ‘kaligayahan’ na ibinibigay nito sa inyo at maging sa iyong partner, kailangang pangalagaan ito. 

Hindi lang paggamit ng condom ang kailangang gawin para pangalagaan ang penis, kailangan din ng tamang penis health care.

Narito ang tips mula sa askmen.com

Grooming -  Para sa karamihan, ang  genital grooming  ay karaniwang penis health care routine pero sa iba kinaiinisan nila ang paggugupit, pagti-trim, o pagse-shave ng pubic hair.

Magandang gino-groom ang penis  dahil mas magiging malinis ito tingnan, nababawasan ang moisture na magiging sanhi ng pagkakaroon ng amoy, may sexually stimulating, mas magiging sensitive kapag nakikipag-sex, magmumukhang malaki ang penis.

Ang kaso nga lang ayaw gawin ito ng iba dahil naabala, napapagod, nangangawit, minsan ay masakit, nagkakaroon ng irritation.

Pero ang ibang babae ay mas ‘ginaganahan’ kapag ‘malinis’ ang mga lalaki. Ang iba, ginagamit na foreplay ang pagse-shave.

Pero dapat ninyong malaman na ang pagsi-shave at waxing ay nagiging sanhi ng irritation o folliculitis at maaring kumalat ang viral infections tulad ng herpes o molloscum contagiosum.

Base sa mga pag-aaral, ang  bacterial infections gaya ng  methicillin-resistant Staphylococcus aureus, ay sinasabing dahil sa paggamit ng razors lalo na kung ginagamit ng iba ang ginagamit mong razor.

Kung ayaw gumamit ng razor o magpa-wax na talagang napakasakit, gumamit ng gunting para i-trim ang pubic hair. Iwasan ang paggamit ng shaving cream o sabon  pati na ang mild moisturizing aftershave lotion. Huwag gumamit ng chemical removal  cream at electric razors  dahil may pa­nganib din ito. -ITUTULOY

 

 

ACIRC ANG DAHIL HUWAG IBA IWASAN MAGANDANG NARITO NBSP PENIS PERO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with