Dating life ng mag-asawa

(Pang-masa) - November 23, 2015 - 9:00am

Sa kabila ng marami nang naghihiwalay na relasyon, mayroon pa rin ang nakaka-survive na nagsasama ng 30 years o higit pa na nanatili sa iisang bubong sa kanilang buhay mag-asawa.

Isa sa kanilang sekreto sa loob ng 40 years, hindi sila tumitigil na makipag-date sa isa’t isa.  Si Daddy ay nagbibigay pa rin ng bouquet ng bulaklak o regalo pag-uwi ng bahay. Si Mommy ay nagbibihis pa rin kapag weekends, tuwing lalabas ang mag-asawa. Makikita pa rin silang naka-holding hands; meron pa rin silang hello at goodbye kiss; nag-i-explore pa rin sa mga bagong restaurant na kakainan; naglalakad sa park o mall; nag-iiwan pa rin ng love notes sa pitaka ni mister at coffee maker ni misis. Mas higit na in love sila hanggang n  gayon.

Ang work at mga bata man ay umaagaw ng atensiyon, pero hindi ito dahilan para tumigil na rin ang dating life ng mag-asawa. 

Ipaglaban pa rin ang forever. Hindi naman kailangan magastos, ang simpleng huntahan sa kusina, pag-attend ng party na magkasama, panonood ng sine, concert, live stand–up comedy, kantahan sa karaoke, at intimate moments ay nagpapaningas ng apoy sa mag-asawa.

Kaya ka nga nag-asawa dahil masaya ang dating life n’yo ni misis, at ‘di ito dapat tumigil habang tumatagal at nagkakaedad.

 

ACIRC ANG ASAWA IPAGLABAN ISA KAYA MAG MAKIKITA RIN SI DADDY SI MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with