Paano Tanggalin ang ‘Belly Fat?’
ABH (Pang-masa) - November 19, 2015 - 9:00am

Ito ‘yung taba sa tiyan at sa paligid ng beywang. Bukod sa sinisira nito ang ating pigura, ito ay maaaring pagmulan ng mas seryosong problema sa kalusugan: sakit sa puso, diabetes, insulin resistance, at cancer. Kaya hangga’t maaga, mainam na tunawin ito sa pamamagitan ng natural na paraan.

Uminom ng Lemon Juice.

Kailangan: isang pirasong lemon, isang basong maligamgam na tubig.

Ano ang gagawin?

1-Katasin ang isang buong lemon at ihalo sa isang basong mali­gamgam na tubig. Kung naaasiman ka, haluan mo ng isang kutsarang honey.

2-Inumin ang lemon juice pagkagising sa umaga na wala pang laman ang iyong tiyan. Palagpasin muna ang 30 minuto bago mag-almusal.

3-Gawin ito araw-araw hanggang sa makita mo ang epekto: Nabawasan ang iyong timbang at nawala ang  bilbil at lumiit ang iyong baywang.

                     - Itutuloy

ACIRC ANG ANO BUKOD GAWIN INUMIN ITUTULOY KAILANGAN LEMON JUICE NBSP STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with