^

Para Malibang

Island of the Undead 123

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

KAILANGAN ding hanapin nina Miley si Blizzard, at kailangan pa rin nilang patuloy na maghanap ng mga tanim sa dagat.

Mga tanim na panlaban sa mga undead.

“Lorenz, natatakot na ako, wala si Blizzard kahit saan natin hanapin.”

“Natatakot na rin ako, Miley. Naisip ko kasi, baka nahuli na siya ng mga undead.”

“Huwag naman sana! Pero kailangang malaman natin kung totoo ang hinala mo!” Nagpa-panic na si Miley.

Napahanga si Lorenz sa dalaga. “Mahal na mahal mo talaga si Blizzard. Kahit pa nakikita mo ang kanyang mga kakulangan. Bilib ako sa pag-ibig mo sa kanya, Miley.”

“Lahat kay Blizzard ay mahal ko. Kahit ang kanyang mga kakulangan. Maliliit pa lang kami, we already love each other.”

May lungkot sa mga mata ni Lorenz. Halatang may pag-ibig din ito sa dalaga. Iyon nga lang, dahil may nobyo ito, wala naman siyang lakas ng loob na makigulo.

“Maghahanap muna ako kay Blizzard bago ako tutulong sa inyo sa paghahanap ng mga tanim na panlaban.”

“Samahan muna kaya kita sa paghahanap kay Blizzard?”

“Huwag na, Lorenz. Mas kailangan kang tumulong sa mga naghahanap ng mga tanim na panlaban sa mga undead.”

Hindi naman napilit ni Lorenz ang dalaga.

SINA  Reyna Miley at Blizzard ay naghahabulan sa tabing-dagat, tapat ng kanilang kuta.

Naghahalikan din. At nagyayakapan nang buong higpit.

Parang nakakalimutan na ni Blizzard ang sariling katinuan. Lasing na lasing sa ganda ni Reyna Miley.

Sa kanilang pagniniig.

“Blizzard,  bakit ba ngayon lang tayo nagkatagpo bilang lovers?” Tanong pa ni Reyna Miley habang hinahalikan sa naked na dibdib si Blizzard.

“Iyan ang regrets ko, Reyna Miley. Sana ikaw na lang kaagad ang minahal ko. Hindi na kita ipagpapalit kahit kanino pa.”

“Maniniwala ako sa ‘yo. Alam ko naman na ako na talaga ang pinakamaganda para sa ‘yo. Pero, kailangang habulin mo ako … kapag naabutan mo ako, may kakaiba akong gagawin sa ‘yo! Believe me … mababaliw ka sa kaligayahan!”

Ang tunay na Miley ay nakarating na sa kinaroroonan ng dalawa. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita.

  ITUTULOY

ACIRC

AKO

ANG

BLIZZARD

HUWAG

KAHIT

LORENZ

MGA

MILEY

PERO

REYNA MILEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with