^

Para Malibang

Island of the undead 115

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAKALIMUTAN na yata ni Blizzard na hindi ang totoong Miley ang kahalikan niya. Hindi pa nakukuntento sa lips to lips, dinama pa ang lahat na bahagi ng katawan ni Reyna Miley.

Pati si Reyna Miley ay parang kinapos ng hangin nang bumitiw silang dalawa sa isa’t isa.

“Ang galing mo! Lalaking-lalaki ang mga labi mo lalo na ang mga kamay!”

Pilyong ngumisi si Blizzard. “Dahil ang ganda-ganda mo, Miley! Ikaw ang totoong Miley ko!”

“Buti naman alam mo. At dahil diyan, ihanda mo ng sarili mo … for more to come.” At pilya ring ngumiti si Reyna Miley.

BALISA na ang totoong Miley dahil hanggang ngayon hindi pa rin nagpapakita sa kanila si Blizzard.

“Nasaan na kaya ang lalaking ‘yon? Grabe namang magtampo! Ang tagal na niyang nawawala!”

“Gusto mo bang bumuo na tayo ng search and rescue teams?”  Sagot naman kaagad ni Lorenz.

“Siguro nga dapat na tayong bumuo. Baka kasi kung ano na ang mangyayari kay Blizzard. Baka makuha siya nina Reyna Coreana.”

“Sige, Miley. Ngayon din bubuo na ako.”

Dalawang search and rescue operation teams ang nabuo. Ang isang team, si Lorenz ang leader.

Ang pangalawa, si Miley naman.

“O, paano. Let’s do it! Search and rescue Blizzard! Miley, diyan kayo sa right direction. Kami naman, dito sa kaliwa! Mag-iingat kayo, ha? Good luck!”

“Good luck din sa inyo. And, Lorenz … stay safe and alive, okay?”

Napangiti si Lorenz, makikita doon ang inspirasyon. “ I will, Miley. At sana, ikaw din. Huwag na huwag kang mapapahamak, okay?”

“Yes, Lorenz. Dapat nating maiuwi rito si Blizzard na ligtas tayo.”

“Pwede ba payakap muna, Miley? Baka kasi hindi na tayo magkita, e.”

“Naku, huwag mo namang sabihin ‘yan,  Lorenz. Ayoko nang ganyang negativity. Halika nga …”

Paglapit ni Lorenz, nagyakap agad sila nang mahigpit.

“Be safe, Lorenz.”

“Be safe, Miley.”

SARAP NA  SARAP si Blizzard sa pagkain na inihain sa kanya ni Reyna Miley.  Manok na inihaw, isdang may sabaw, corned beef na gisado  at marami pang iba. -ITUTULOY

 

ACIRC

ANG

AYOKO

BLIZZARD

BUTI

DAHIL

DALAWANG

LORENZ

MILEY

REYNA COREANA

REYNA MILEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with