^

Para Malibang

Baka lokohin lang

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po si Pam, 17 years old at namamasukan bilang tindera ng ukay-ukay sa Caloocan. Iniwan ko ang aking pamilya sa Cebu para dito makipagsapalaran. May nanliligaw po sa akin, isang nagdedeliber ng gulay na itinitinda ko. May crush po ako sa kanya kaya lang baka lokohin lang ako kasi mukha po siyang playboy. Mababa lang aking pinag-aralan at tagapagtinda lang ako ng totoong may-ari ng tindahan. Niyayaya niya ako mag-date kami. Manonood daw kami ng sine at kakain sa labas. Mahal ko rin siya pero natatakot ako. Paano ko ba malalaman kung tapat at hindi manloloko ang isang lalaki? Sana matulungan mo ako.

Dear Pam,

Bata ka pa at huwag agad padala sa nararamdaman mo. Hindi mo pa siya lubos na kilala kaya huwag agad sumasama sa date. Kadalasan, kapag nakuha na ng lalaki ang kanyang gusto sa babae, bigla na lang lalayasan. Kilalanin mo muna siyang mabuti. Mag-ingat ka dahil wala rito ang iyong mga magulang at kaanak kaya walang ibang mangangalaga at magmamalasakit sa iyo kundi ang iyong sarili.

Sumasaiyo,

Vanezza

AKO

BATA

CALOOCAN

CEBU

DEAR PAM

DEAR VANEZZA

INIWAN

KADALASAN

KILALANIN

MABABA

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with