Tatayo lang, tunaw na ang calories?

Ang isang paraan para malaman kaagad ang ugali ng iyong ka-date kahit first time lang kayong nagkasama: Obserbahan kung paano niya tratuhin ang waiter sa inyong kakainang restaurant. Hindi lang waiter, lahat ng taong makakasalamuha niya na ang katayuan sa buhay ay mas mababa sa kanyang status.

Kung nagmamadaling palamigin ang inumin sa bote o lata: Basain ang tissue/napkin. Idikit ito sa paligid ng bote o lata. Ilagay sa freezer. Sa loob ng 15 minuto, mayroon na kayong ice cold beer or soda.

Para manatiling mainit ang take-out pizza hanggang sa pag-uwi sa bahay: Ilagay ito sa trunk ng kotse, huwag sa loob dahil may aircon.

Masama ang pakiramdam na parang lalagnatin: Kumain ng 12 pirasong almonds. Ang epekto nito ay katumbas ng pag-inom ng  isang aspirin.

Ang simpleng pagtayo ng  isang oras ay nakakatunaw ng 120 calories.

Mas mainam na ang magiging boyfriend mo ay maraming sisters. At least, kabisado na niya ang ugali ng mga babae. Hindi na siya magugulat o maiinis sa mga kaartehan at kadramahan ng magiging girlfriend niya.

Kung kailangan mo ng AA Batteries pero AAA ang available: magbilog ng aluminum foil na kasing laki ng M&M’S. Mas maikli ang AAA kaysa AA. Ang binilog na aluminum foil ang ipandugtong sa dulo ng maikling batteries para sumakto sa  mahabang battery cell ng AA.

Show comments