^

Para Malibang

Minsan lang sila maging bata

Pang-masa

Kung iniisip natin na bad agad ang bata kapag nagpapakita ng kakaibang ugali, hindi lang sa loob ng bahay kundi sa harapan din ng maraming tao. Karamihan sa mga magulang hindi lang talaga alam ang tamang asal ng mga bulilit natin.

Pero ang totoo katulad din sila ng mga normal na bata na mas shocking pa nga ang mga pinaggagawa natin nung kasing edad natin sila.

Tantrums – Karaniwan sa  toddler madaling mabagot kaya sila ngumangawa sa kaiiyak. Pero huwag  munang mag-react Mommy. Subukan mo muna kausapin ng mahinang boses, gumamit ng mga kalmadong tono habang pinatatahan ang mga bagets.

Umuungot – Ang paslit ay mahilig mag-uungot o mag-whining ng kanilang boses. Hindi talaga sila nagmamaktol kundi gusto lang nilang marinig ang kakaibang tunog ng kanilang boses sa pag-uungot.

Hindi sumasagot – Kahit ilang beses ka nang magsabi pero parang wala silang naririnig kahit sinabihan mo na silang bad kapag hindi pinapansin ang kumakausap sa kanya. Sadyang may mga taong sumasagot lang sa kanilang isipan, at hindi nila namamalayan na hindi lumalabas sa kanilang bibig ang gusto nilang sabihin. Meron din batang hindi talaga sasagot hanggang hindi mo siya kinakausap o tinatanong.  Mahiyain pa kasi ang  bagets kaya pagpasensiyahan mo muna.

Ayaw matulog – May mga gabi na ina­abot ng madaling araw ang mga bata. Walang ginagawa kundi maglaro sa dilim dahil hindi sila makatulog.  Kumakanta o kinakausap ang sarili. Ang tawag sa kanilang ay mga kuwa­gong paslit dahil mulat ang mga mata at hindi agad madapuan ng antok.

Malakas ang boses – Hindi naman sila sumisigaw pero talagang malakas ang kanilang boses dahil wala silang kontrol. Kahit bumulong na sila pero malakas pa rin ang boses na lumabas sa kanilang bibig.

Hindi naghuhugas ng kamay – Ang paghuhugas ng kamay ang isang mahalagang pagtuturo sa mga bata. Ituro sa kanila ang mga nagkalat na germs na pinanggagalingan ng sakit. Puwede ring idaan sa kanta o ryhmes para madali nilang matandaan na kahalagahan nito.

Marami pang kakaibang pag-uugali at kilos ang mga anak natin. Sa tamang paggagabay at pasensiya matututo rin sila na sangkap ang iyong kalinga.  Kailangan mo lang sabayan ang kanilang mundo dahil minsan lang silang maging bata. Para hindi mo ma-miss ang kanilang kabataan na hindi mo namamalayan na nagkakaroon na sila ng sarili nilang mundo, at hindi na ikaw ang gustong kasama.

ACIRC

ALIGN

ANG

HINDI

KAHIT

KANILANG

LEFT

MGA

QUOT

SILA

STRONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with