^

Para Malibang

Addict sa sex

Pang-masa

Totoo ang kasabihan na ang lahat ng bagay na sobra ay masama at hindi ito nagbibigay ng magandang epekto, bagkus ay magdadala pa ito sa  kapahamangakan sa isang indibiduwal.

Ganito rin ang epekto sa usaping sexual o pagkahilig sa pakikipagtalik ng isang tao.  

Kailan ba nagiging masama ang sexual arousal o “libog” ng isang tao?

Ang sagot ng eksperto sa ganitong tanong ay kapag sobra at wala na sa lugar ang pagkahilig sa sex. Kapag hindi na ito normal, matatawag na itong isang Paraphilic Disorder.

Ang Paraphilic Disorder ay isang paraphilia o sobrang pagkahilig sa sex na maaring magdulot ng distress o impairment sa isang indibiduwal.

Isa rin itong paraphilia kung saan ang sexual satisfaction ng isang tao ay maaaring magdulot ng kapahamakan sa kaniyang sarili o sa ibang tao. Ang paraphilia ay ang matinding sexual interest. May sampung (10) klase ng Paraphilic Disorders. Dalawa sa mga ito ay ang Vo­yeuristic at Exhibitionistic Disorders. Ang Voyeuristic Disorder ay puwedeng maihalintulad sa “pamboboso.”

Nagkakaroon ng ma­tinding sexual arousal ang isang taong na may ganitong klase ng disorder habang pinapanood o sinisilip niya ang isang taong nakahubad o ang dalawang taong nagtatalik. Madalas ang mga ito sa mga dormitories, apartments, o kahit sa ating tahanan. Kung anim na buwan o higit pa itong ginagawa ng isang tao ay masasabing ito ay may Voyeuristic Disorder.

Ang Exhibitionistic Disorder naman ay ang pagpapakita o paglalantad ng ari ng isang tao sa ibang tao. Dito ay nagkakaroon siya ng sexual arousal at fantasies sa tuwing naipapakita niya ang kaniyang ari sa bata o matanda-depende sa kung kanino niya gustong ipakita. Madalas ma-encounter ito sa mga kalalakihan. Gaya ng Voyeuristic Disorder, matatawag ding mayroong Exhibitionistic Disorder ang isang tao kung may anim na buwan o higit pa niyang ginagawa ito. Ang ganitong disorder na personalidad ay kailangan po ng professional counseling.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG EXHIBITIONISTIC DISORDER

ANG PARAPHILIC DISORDER

ANG VOYEURISTIC DISORDER

DISORDER

EXHIBITIONISTIC DISORDER

ISANG

ITO

TAO

VOYEURISTIC DISORDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with