^

‘Forevermore’

(Pang-masa) - February 24, 2015 - 12:00am

Paano mo nga ba mapapanatiling nakatuon lang sa’yo ang mga mata at pagmamahal ng iyong partner, lalo na ng iyong mister o boyfriend? Narito ang ilang hakbang:

Ingatan ang iyong sarili – Dapat mong ingatan ang iyong kalusugan at pisikal na itsura. Isipin mo na lang, bakit ka ba nagustuhan ng iyong partner? Hindi naman niya agad makikita ang mga magagandang katangian mo kung hindi ka niya kinilala muna. Isipin palagi na unang nakikita ng iba sa’yo ay ang iyong pisikal na katangian o itsura. Kaya dapat mong panatilihin ang iyong kagandahan o kaguwapuhan sa kanyang paningin. Maraming kababaihan na sa oras na nag-asawa ay nagiging pabaya na sa kanyang sarili.

Maging mapagpasalamat – Anuman ang gawin niya o ibigay sa’yo, dapat mo itong pasalamatan. Kung binigyan ka niya ng damit o alahas, ipakitang isinusuot o ginagamit mo ang mga ito. Isang paraan ito para masabi o maipakita mo ang iyong “appreciation” sa kanyang binigay o ginawa.

Ipakita mong siya ang iyong “hero” – Nais ng mga lalaki na maramdaman nilang sila ay isang “hero” sa babaeng kanilang minamahal. Kaya naman ‘wag siyang maliitin ngunit hindi ka rin dapat maging masyadong palaasa sa kanya dahil ito ay nakaka-turn-off din.

ANUMAN DAPAT INGATAN IPAKITA ISANG ISIPIN IYONG KAYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with