Mabaho ba ang paa mo? [2)
Kapag mabaho ang paa, ikunsidera ang pagkonsulta sa podiatrist bago magdesisyong gamutin ito. Ang podiatrist ay maaaring magreseta ng gamot para sa iyong problema sa paa. Maaari siyang magrekomenda ng foot powders, creams, or ointments. May mga alternatibong paraan upang masolusyunan ang pamamaho ng paa kagaya ng baking soda, or sodium bicarbonate, na mas mura kesa sa ibang odor-eaters at powders, na epektibong makakaalis ng amoy. Para mas lalong mabawasan ang pamamaho iwasang gumamit ng nylon socks o plastic shoes. Ang medyas kailangang gawa sa cotton or wool, at ang sapatos ay gawa sa canvas o mesh.
Maaari bang magamot ang mabahong paa?
Oo. May mga paraan upang maiwasan ang mabahong paa kagaya ng paggamit ng odor eaters, creams, disinfecting spray, sapatos at medyas na gawa sa mga breathable materials. Lahat ng mga nabanggit ay makikita sa mga botika at grocery store. Kapag malubha ang kaso ng iyong paa ay kailangan isangguni ito sa podiatrist para magriseta ng mga gamot na maaaring makapigil sa pamamaho ng iyong paa. May mga electrical devices na maaaring makatanggal ng pamamawis ng ilang linggo sa pamamagitan ng pagsasailalim sa mild electrical current sa iyong balat. Kapag ito ay hindi pa rin gumana maaaring imungkahi ng doktor ang pag-oopera sa pamamagitan ng pagputol sa mga nerve na sanhi ng pagpapawis.
May iba’t ibang paraan na makakatulong upang maiwasan ang amoy sa paa na makikita lamang sa ating tahanan. Naririto ang ilan sa mga mga bagay na nasa ating tahanan na maaaring makatulong upang maiwasan ang nakakahiyang amoy ng ating paa kagaya ng:
Tsaa: Mayroon itong tannic acid, na mabuti sa pagpapanatiling tuyo ng iyong paa. Ayon sa mga eksperto ang pagbababad ng paa gamit ang tsaa sa loob ng 30 minuto bawat araw sa loob ng isang linggo ay maaaring makapigil ng pagpapawis ng paa.
Tubig at Asin: Sa kalahating tasa ng kosher salt para sa bawat quart ng tubig ay maaaring ibabad ang paa sa loob ng 20 minuto bawat araw. Huwag hugasan pagakatapos ibabad sa tubig na may asin bagkus hayaan lang itong matuyo sa buong araw.
Bleach: Gumamit ng bleach na may ibayong pag-iingat. Ito ay may potansiyal na makapagpatuyo ng iyong paa at balat. Sa dalawang kutsarita ng bleach sa isang galon ng maligamgam na tubig ay puwede ng ibabad ang paa sa loob ng lima hanggang sampung minuto. Bago magbabad lagyan ng konting baby oil ang paa.
Sodium Bicarbonate: Kilala rin ito bilang baking soda. Maglagay ng 1 kutsarita ng baking soda para sa isang quart ng tubig. Ang solution na ito ay pumipigil sa bacteria na dumami.
- Latest
















