^

Para Malibang

Ritwal sa New Moon

SINUSUWERTE KA! - Fortuna - Pang-masa

Gawin ang alinman sa mga sumusunod tuwing sasapit ang new moon upang maakit ang suwerte at pera sa inyong buhay.

Bumili ng black or dark blue bowl at ilaan ito bilang “Kitchen Wealth Bowl”. Punuin ito ng bagong biling asin tuwing New Moon.  Itago sa cupboard.

Linisin ang refrigerator at itapon na ang mga panis na pagkain o pagkaing hindi na type kainin. Ang fridge na makalat at marumi ay nagkakaroon ng bad energy. Panatilihing itong malinis dahil dito natin itinatago ang ating kinakain. Ang pagkain ay simbolo ng kayamanan at kalusugan.

Maglagay ng kaunting asin sa plastic at itago sa wallet.

Maglagay sa container ng asin at ilagay sa mga sulok ng bahay.

Huwag mag-iiwan ng footwear sa bungad ng pintuan. Sinisimbolo nito ang pag-alis ng pera at  magandang suwerte sa inyong buhay.

Mula New Moon hanggang Full Moon ay gawin ito tuwing umaga: Isulat sa palad (kanan kung right-handed ka; kaliwa kung left handed) ang maraming peso sign o kung kursunada mo, samahan ng dollar sign. Mang-aakit ito ng money luck at mga oportunidad para makamit mo ang pangarap na yumaman.

Ang pagpapalit ng asin ay gagawin tuwing sasapit ang New Moon.

BUMILI

FULL MOON

GAWIN

HUWAG

ISULAT

ITAGO

KITCHEN WEALTH BOWL

MAGLAGAY

MULA NEW MOON

NEW MOON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with