^

Para Malibang

Bakit kailangan mong umiyak?

Pang-masa

Ang pagluha ay isang normal na gawain at ito’y isang ekspresyon ng iyong emosyon. Ngunit  kung sobrang pag-iyak naman ang iyong ginagawa, hindi na rin ito makakatulong sa’yo kaya dapat mo na rin itong kontrolin. Narito ang ilang hakbang para makontrol mo ang iyong sarili mula sa pag-iyak.

Tumakbo sa “comfort room” – Para hindi na masyadong maes­kandalo ang iyong pag-iyak, at hindi mo na ito mapigilan pa, bakit hindi agad na tumakbo sa loob ng c.r? dito ibuhos ang lahat ng iyong sama ng loob hanggang sa ikaw ay maging kalmado

Pabayaan ang sarili – Minsan, dahil sa kakapigil mo ng iyong luha na bumagsak, mas bumibigat ang iyong dibdib hanggang sa hindi mo na naman makaya anumang problema mayroon ka. May oras na dapat mo rin pagbigyan ang iyong sarili, umiyak ng parang hindi na darating ang umaga para sa’yo. Matapos nito ay gagaan ang iyong pakiramdam.

Tanungin ang sarili bakit mo gusto umiyak – Kung sa tingin mo ay malaking usapin ang bagay na iyong iniiyakan, bakit hindi kumunsulta sa isang therapist? At dito sabihin ang iyong problema. Minsan kailangan mo lang naman ng makikinig sa iyong problema.

Dahil lang ba sa “hormone”? – Kung babae ka, posibleng ang dahilan ng “low esteem” mo ay dahil sa pag-iiba ng bilang ng iyong hormone. Kaya maaari mo itong remedyuhan lang sa iyong sarili.

Huwag mahiya – Kung talagang ikaw ay iyakin at tingin mo ay normal ito sa’yo, huwag mo itong ikahiya. Darating din ang araw na matututunan mong kontrolin ang iyong emosyon kaya hindi mo agad mapapabagsak ang iyong luha.

DAHIL

HUWAG

IYONG

KAYA

MATAPOS

MINSAN

NARITO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with