Pag-aralan muna ang damdamin

IDAING MO KAY VANEZZA (Pang-masa) - December 29, 2014 - 12:00am

Dear Vanezza,

Ako po si Myka, 24 years old at nagtatrabaho sa call center. May nanlilligaw sa akin pero hindi ko pa tiyak ang feelings ko sa kanya. Kabi-break lang namin ng bf ko at medyo hindi pa ako nakaka-recover. Masyadong playboy ang bf ko kaya nakipag-break ako sa kanya. Simple lang ang suitor ko pero mabait at maalalahanin. Kasama ko siya sa trabaho. Kapag breaktime ay lagi niya akong ibinibili ng hamburger na ina-appreciate ko naman. Kaso, hindi ko matiyak ang sarili ko kung mahal ko talaga siya. Baka naman nangungulila lang ako sa pagkawala ng ex ko. Kahit pogi ang ex ko, hindi ko nakita sa kanya ang kabaitan ng aking suitor ngayon. Dapat ko na ba siyang sagutin?

Dear Myka,

Bigyan mo muna ng pagkakataon ang iyong sarili na pag-aralan ang damdamin mo. Hindi minamadali ang isang relasyon dahil maa­ring tama ka na baka nangungulila ka lang. Magsimula kayo bilang magkaibigan at habang nagtatagal, malalaman mo kung may pagtingin ka sa kanya o wala. Mas mabuti na ang sigurado kaysa agad mo siyang sasagutin pero sa dakong huli’y magbabago ka dahil nagkamali ka pala.

Sumasaiyo,

Vanezza

BIGYAN DAPAT DEAR MYKA DEAR VANEZZA KABI KAHIT KAPAG KASAMA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with