_pang-masa
^

Ang babaing kinakain ang lahat (84)

TALES FROM THE OTHER SIDE (Pang-masa) - December 9, 2014 - 12:00am

KAPANSIN-PANSIN nga ang lapad ng bala­kang ng lalaking umano’y si Manny Pacquiao. Hindi ito nakaligtas sa paningin at puna ng naroong media people.

“Manny, ano’ng latest sa career mo?” tanong ng female reporter.

“Well... kuwan, ang manager ko ang nakakaalam,”  safe na sagot ni ‘Manny’  na walang iba kundi si Tatiana.

Lihim na inis ang babaing laging gutom dahil naabala  ang pagkain ng lugaw, batsoy at adobong baboy sa karinderya.

“Kasama mo ba si Jinkee at si Mommy Dionisia?”

“S-sino sila?”

“Hindi mo kilala ang misis mo at nanay mo?”

Namutla si “Manny’, alam na halatang peke siya.

“At bakit iba na ang pagsasalita mo pati boses, Manny? Nawala ang Visayan accent mo at an’ laki ngayon ng tinig mo!” usisa ng isa pang reporter.

Nataranta na si Tatiana. “No comment na ako. Ako’y nagmamadali!”

Bago pa nakakilos ang mga nakapaligid, napakabilis nang nakatalilis si Tatiana o ‘Manny’.

Naiwan ang mga tao na nakatanga.

Pero alerto ang pulisya. Hinabol agad si ‘Manny’, gigil na pineke nito ang tunay na Idolo ng Bayan.

Si Tatiana ay nakabalik agad sa kotseng top-down, sa labas ng palengke.

Mabilis nang pinatakbo itong palayo. BRUUUMM. Kaso ay minalas, naubusan ng gasolina ang sports car. Tumirik sa daan.

Inabutan si Tatiana o ‘Manny’ ng mga motorcycle cops. Inaresto agad siya, pinosasan.

Tahimik lang si Tatiana o ‘Manny’, tuloy sa pag-iisip kung paano muling tatakas.

Armado ng baril ang mga humuli, dito takot si Tatiana. Alam ngang kaydali niyang patayin kapag nabaril sa ulo.

Naging marahas na ang aksiyon ni Tatiana o ‘Manny’. Nang-agaw na ng baril ng isang pulis.

BANG. Binaril ito sa dibdib. Patay agad.

Iyon ang pagkakamali ni Tatiana. Hindi na siya bubuhayin ng mga alagad ng batas!

(Itutuloy)

ALAM ARMADO BAYAN BINARIL MANNY MOMMY DIONISIA SI TATIANA TATIANA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with