Lasenggong mister
IDAING MO KAY VANEZZA (Pang-masa) - October 5, 2014 - 12:00am

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Senyang, isang misis na may 3 anak. Problema ko po ang mister ko. Mabait siya pero lasenggo. Hindi siya makatulog hanggat hindi nakakainom ng alak gabi-gabi. May isang taon na siyang ganoon. Kahit walang kainuman ay tumutungga siyang mag-isa araw-araw. Sabagay mas mabuti na siguro kaysa nakikipag-inuman siya kung saan-saan. Kaso natatakot po ako na baka magkasakit siya. Malakas din kasing manigarilyo. Ano ang dapat kong gawin para maawat siya sa bisyo?

Dear Senyang,

Mahirap awatin ang isang taong lulong sa kanyang bisyo. Ang magagawa mo lang ay magsalita. Ipaalam mo sa kanya na kung mawawala siya dahil ayaw niyang tigilan ang kanyang masamang bisyo ay kayo ng kanyang mga anak ang magdurusa. Samahan mo rin ng panalangin ang iyong mga pangaral sa kanya. Hindi garantiyahang magbabago siya pero ang mahalaga’y maipaabot mo sa kanya ang iyong pag-aalala sa pagkagumon niya sa alak at sigarilyo.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

ANO DEAR SENYANG DEAR VANEZZA IPAALAM KAHIT KASO MABAIT MAHIRAP MALAKAS SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with