Nilalabanan ang pagiging tomboy

Dear Vanezza,

Ako po si Sharon, 19. Sa edad ko po ay hindi ko pa nararanasan ang magka-boyfriend. Kinakantiyawan ako ng mga kabarkada ko. Sabi nila, baka sa kapipili ko, matapat daw ako sa pangit. Hindi naman po ako pangit at pinangarap ko rin na magka-bf ako. Ang hindi ko po maintindihan sa aking sarili, kahit isa sa mga nanliligaw sa akin ay wala akong nagugustuhan. Kaya lang, bakit po kaya ako naa-attract sa kapwa ko girl? Hindi po ako tomboy kaya kapag nagka-crush ako sa kapwa ko babae, pilit ko po itong nilalabanan ang ganitong damdamin ko. Hindi rin naman ako astang lalaki at ayos babae naman ako dahil ayaw kong bansagan akong “tibo”. May mga friends din akong tomboy pero sinasabi ko sa kanila na hindi ako katulad nila. May paraan ba para mapigilan ko ang aking nararamdaman? Maituturing bang abnormal ang behavior ko?

Dear Sharon,

Kung talagang tomboy ka, wala kang mararamdamang resistance sa iyong inuugali. Pero the fact na ayaw mong maging tibo ay nagpapakitang isa kang tunay na babae. Normal sa kababaihan, lalo na sa kabataang gaya mo, na humanga sa kabaro pero hindi ito nangangahulugan na miyembro ka na ng third sex. Marahil hindi pa dumarating ang lalaking mamahalin mo kaya hanggang ngayo’y wala ka pang nagugustuhan sa mga nanliligaw sa’yo. Huwag kang mag-alala dahil darating din ang right guy para sa’yo.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments