^

Para Malibang

Feng Shui Tips For House Hunters

SINUSUWERTE KA! - Fortuna - Pang-masa

Last part

Huwag bibili ng bahay malapit sa highway.

Ang ingay, pollution at mabilis na galaw ng mga sasakyang dumadaan ay magdudulot ng “bad energy” na makakaapekto sa isang matahimik at masayang environment. Gaano dapat kalayo ang isang bahay sa highway para masabing masama ditong tumira? Walang specific na distansiya. Basta’t naririnig mo ang ingay na nagmumula sa labas kahit ka nasa loob ng bahay, iyon ay signal na hindi magandang tumira sa lugar na nabanggit.

Hindi magandang tumira malapit sa sementeryo.

Ang tanong ulit, ilang metro dapat ang layo ng bahay upang masabi na malapit ito sa sementeryo ? Maituturing na malapit ang bahay sa sementeryo kung natatanaw ito mula bintana o pintuan ng bahay. Ang sementeryo ay nagpapaalala ng kamatayan. At mga bagay na may kinalaman sa kamatayan, pagpanaw, pagkabulok ay nagbibigay ng negative energy. Idagdag pa na lahat ng taong dumadalaw doon ay malungkot ang mga kalooban. At higit sa lahat, ang mga bahay na malapit sa sementeryo ay madalas pasukin ng mga ligaw na kaluluwa.

Huwag titira malapit sa strip club/beer house.

Negative vibration ang ibinibigay ng strip club at beer house dahil ang mga babae ay hindi iginagalang,  pugad ito ng mga lalaking mahilig sa bisyo, nagiging meeting place ng drug pushers.

 

BAHAY

GAANO

HUWAG

IDAGDAG

MAITUTURING

MALAPIT

SEMENTERYO

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with