^

Para Malibang

Pungsuyin ang Bedroom

SINUSUWERTE KA! - Fortuna - Pang-masa

Ang 1/3 ng ating oras ay ginagamit natin sa pagtulog kaya 1/3 din ng ating buhay ay inilalagi natin sa ating bedroom. Kaya bedroom ang isang bahagi ng bahay na okey lang gastusan/pagandahin kasi nga mas madalas tayong tumitigil dito kumpara sa ibang parte ng ating bahay. Ang kaligayahan ng mag-asawa ay nasa tamang pagpupungsuy ng kanilang bedroom.

Square o rectangular ang pinakamainam na korte ng bedroom.

Hindi dapat maglagay ng toilet/bathroom sa bedroom dahil ito’y makakapinsala kung ang lokasyon nito ay hindi naaayon sa Fengshui principle.

Hindi dapat na mag-share sa iisang wall ang toilet at bedroom.

Huwag magdidispley ng halaman o water feature sa bedroom.

Hindi dapat na magkatapat ang bedroom door sa pinto ng toilet/bathroom. Kung magkatapat, maglagay ng screen door sa toilet para maharangan ang pinto ng isa’t isa.

Hindi dapat nakatapat ang bedroom door sa hagdan. Para maremedyuhan, maglagay ng maliwanag na bombilya sa pagitan ng pinto at hagdan.

Ilang piraso lang ng lucky charm ang dapat gamitin sa bedroom dahil ang resulta nito ay hindi makakatulog nang maayos ang taong gumagamit ng kuwarto. Mas mara­ming lucky charm, mas maraming energy ang umiikot sa bedroom na nakakaapekto sa natutulog. (Itutuloy)

 

 

ATING

BEDROOM

DAPAT

FENGSHUI

HUWAG

ILANG

ITUTULOY

KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with